SRSLY?!
habang nagkkwento si mama tungkol sa nirereto nyang Engineer sa kapatid ko....AKO: kung single ako, papatulan ko yan.
MAMA: bakit married ka na ba?
AKO: ganun? =____________=
ang mga pulis bilang isang ordinaryong driver.
kagabi kasi habang pauwi na kami, may nakasalubong kaming nagccounterflow na ssakyan, dahil traffic, gumawa sya ng third lane, sa third lane na yun kami natahak ng daan. sobrang liwanag ng head lights nya, mga 5minutes din kaming nakatigil kasi ayaw umalis ng ssakyan sa harap namin, mayamaya sabi ni Mama, “Pa, PNP yan o, tignan mo yung plaka” pero hindi parin nagpatinag si Papa, bilang isang sundalo na nagtturo sa kapwa nya empleyado ng gobyerno kung anong tama, hanggang sa umabante na yung jeep na nasa harap ng ssakayan na nag counter flow.
paglampas namin sa sasakayan na yon sabi ni Papa, “mayayabang yang mga yan, presidente nga indi nagwawangwang sila pa kayang puls lang.” sabi ko naman, “madami na kayang napatay dyan sa pakikipag matigasan sa pulis” ang sagot naman ni Papa, “sila din naman ang malalagot sa batas.”
hanggang sa may nakwento si Papa tungkol sa Pulis at Sundalong nagbarilan sa Davao, nagkasamaan lang daw sila ng tingin, dahil ang akala nung pulis NPA yung sundalo, ayun pareho silang patay.
tama nga naman si Papa, hindi porket may katungkulan ka o may lisensyadong baril ka magyayabang ka na, pinagkatiwala sayo yun dahil nakita sayo na responsable ka, at hindi ito aabusuhin. kaya wala kang karapatang maging siga sa daan o kahit saan man dahil alam mong may katungkulan ka.